Earth's Beauty

TRAVEL BLOG NG PILIPINAS 2

kwento ni jemica

abra

Bawat bahagi sa Pilipinas ay talaga namang may pinagmamalaking magagandang tanawin. Kultura, Tradition at pagkain na tiyak na ikatutuwa ninyo. Alam niyo ba na hindi lang Tagaytay, Davao, Baguio at Palawan ang pwede mong puntahan? Tara samahan niyo kong libutin ang pinakamamahal kong lugar sa buong Pilipinas, ang Abra.Ang Abra ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Cordillera Administrative Region sa Luzon. Ang pangunahing ginagamit na lengwahe dito ay Ilocano. Ang kabisera ng Abra ay Bangued. Kami ng pamilya ko ay nagmula sa lugar ng Apayao, hindi man ako ipinalaki sa lugar na iyon ngunit sinigurado ng aking mga magulang na ipagmamalaki ko pa rin ang lugar na ito.Kilala ang abra sa paggawa ng mga bagay na gawa sa bamboo sapagkat kahit saan ka tumingin kaliwa’t kanan ang pagtubo ng bamboo rito.Pagpasok mo pa lang sa lalawigan ng abra makakadaan ka na sa sikat na tunnel sapagkat ito ay may haba na 40 meter, tinatawag itong Tangadan tunnel. Tuwang tuwa ako nung unang napadaan kami rito sapagkat ang sikat ng araw ay biglang nawala para akong dumaan sa isang portal papunta sa kabilang mundo. Ngunit sinabi sa akin ng aking nanay na kapag gabi ay huwag daraan dito sapagkat may kasabihan silang tuwing gabi ang tunnel na ito ay nagiging totoong portal papunta sa mundo ng mga engkanto. Pagkarating sa bahay ng aking lolo ay tuwang tuwa ako sapagkat may nagaganap pala na fiesta roon, ito ay ang kawayan festival.Nakakatuwa sapagkat kahit hindi ako marunong sumayaw ay nanapaindak ako sapagkat ang mga ngiti, galak at pagindak ng mga tao roon ay sapat na para ako ay makisali sa fiesta. Kinabukas nagyaya ang aking mga magulang na pumunta sa kilalang hotspring, ito ay ang Kili Fall and Hot spring, ako ay nagulat sapagkat akala ko sa malapit na mga bulkan at bundok lang makakakita ng hotspring. Hindi lang yun ito ay isang talon din na pwedeng pagtampisawan sapagkat hindi gaanong malakas ang buhos ng tubig dito.Marami pa kaming napuntahang mga lugar, nakalimutan ko na nga ring kumuha ng larawan sapagkat sa ganda ng iyong nakikita tila wala ka ng maisip kung hindi lumapit dito at hangaan ito. Ang araw ay dumating na, ito ang araw na kailangan na naming umuwi ngunit bago yun kami ay namili muna sa bayan ng mga pasalubong na gamit at pagkain, huwag kang magalala sapagkat kaliwa’t kanan ang nagtitinda ng mga souveneirs dito at hindi ka pa kakabahan na ito ay masisira agad sapagkat ang pagkayari nito ay sing tibay ng kahoy ng narra.Hindi man kilala ang Abra sa mga nagagandahang tanawin alam ko at alam ng mga kababayan ko na may ipaglalaban ang Abra pagdating sa kultura, pyesta, delicacies at mga kagamitan.

kwento ni joy

CEBU

Pagod ka na ba sa buhay o stress ka na ba kakaisip kung pano mo sisimulan ang modules mo na next week na ang deadline? May life hack ako para sayo!Ang Cebu ay tinatawag na "Queen City of the South" dahil sa mga magagandang tanawin nito at ang pinaghalong luma at makabagong kasaysayan.Ang Cebu ay isang islang matatagpuan sa gitna ng Visayas. Ito ay nasa silangan ng Negros Oriental at Negros Occidental. Matatagpuan din ito sa kanluran ng Leyte at Bohol. Ang Cebu ay binubuo ng 167 na isla. Kabilang dito ang Mactan,Bantayan,Olango at ang isla ng Camotes. Meron din urbanisadong siyudad ang Cebu katulad ng Lapu-Lapu at Mandaue.Alam nating mga pilipino na isa ang Cebu sa dinadarayo ng mga turista. Noong Hunyo 2022, nagbakasyon ako sa Cebu dahil gusto kong makita ang iba't ibang tourist spot at gusto kong malaman kung bakit nga ba binabalik-balikan ng iba ang Cebu.Pagkarating ko sa Cebu ang una kong pinuntahan ay ang kilalang Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu. Dito ipinagdidiwang ang Sinulog, tuwing ikatlong linggo ng enero. Sinasamba rito ang Santo Niño na ibinigay ni Magellan kay Hara Amihan. Kilala ito dahil sa makulay at masayang parada. Malaki ang Basilica Minore Del Sto. Niño pero kahit na malaki ito, ang ibang tao ay hindi na nakakakapasok sa loob dahil sa siksikan. Pagpasok mo pa lang sa entrance ay marami ka nang makikitang pwedeng pagpicturan o instagrammable ika nga mga gen Z. Matatagpuan dito ang Magellan's Cross at ang The Cross of Magellan Historical Marker. May misa dito tuwing linggo mula 7:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.Bukod sa Basilica Minore Del Sto. Niño, marami pang pwedeng pasyalan sa Cebu. Kilala rin ang Cebu sa mga magagandang beach, nariyan ang Moalboal, Bantayan Island, Logon Beach, Bakhaw Beach, at marami pang iba. Gustuhin ko man puntahan ang lahat ng ito ay hindi nakaya ng 1 month vacation ko. Kaya kung stress ka, sa Cebu ka na! Marami ka ng pagpipilian, mabubusog ka pa sa mga magagandang tanawin na meron sila.

kwento ni mikaela

baguio

Gusto mo ba mag-emote at lumayo sa maingay at magulong siyudad?Naghahanap ka ba ng lugar na tahimik at malamig ang simoy ng hangin?Tamang tama! Baguio ang sagot sa lahat ng problema mo!Ang Baguio ay isa sa pinakang sikat na tourist spot sa Pilipinas, tinagurian itong “City of Pines” dahil sa mga naggagandahang pine tree na makikita sa buong siyudad. Ito rin ay tinatawag na “Summer Capital of the Philippines. Sa Baguio matatagpuan ang iba’t ibang kultura na mayroon ang Pilipinas, iba’t ibang tribo at kultura ang maipagmamalaki ng Baguio. Maganda ngang libutin ang Baguio dahil sa kakaiba at mga sikat na puntahan at hindi mawawala ang klimang malamig na tamang-tama sa paglibot ng siyudad.Kapag ikaw ay pumunta sa Baguio ang unang- una dapat sa iyong listahan ay ang tanyag na Lion’s Head sa Kennon road. Hindi kumpleto ang iyong Baguio trip kung wala kang litrato sa sikat na ulo ng leon. At kung isa ka naman na mahilig sa adventure sakto-sakto sayo ang Burnham Park. sikat ang parke na ito sa mga turista dahil sa mga aktibidad na maaring gawin katulad na lamang ng pag sakay sa bike o bangka at pwede mo ng malibot ang buong Burnham park.Suyang-suya ka na ba sa magulo at maingay na siyudad at gusto mo ng kapayapaan? Isa lang ang sagot diyan, Ang Camp John Hay! Sikat itong puntahan dahil sa angking kagandahan ng paligid, makikita ang maraming pine tree at papalapit ka pa sa inang kalikasan. Maraming aktibidad na maaaring gawin dito katulad na lamang ng pagsakay sa zipline at pagpunta sa ipinagmamalaki nilang Bell House Museum.Pag Baguio ang pinag-uusapan, hinding-hindi mawawala ang strawberry. Sikat ito na prutas sa Baguio dahil sa lamig ng klima, sa Baguio lamang matatagpuan ang karamihan sa taniman ng strawberry. Sikat ang a Trinidad sa kanilang strawberry, maraming farms ang bukas sa turista upang mag ‘handpicked’ ng strawberry sa kanilang farm. At hindi rin buo ang pagpunta sa Baguio kung hindi mo matitikman ang strawberry taho at jam at mayroon din na ube taho at jam.Tiyak na marami ngang sikat na puntahan sa Baguio at kung naghahanap ka ng sign na pumunta sa Baguio ito na yon! Ano pang hinihintay mo? Tara na at lakbayin natin ang Baguio!

maraming salamat!

Makipag-ugnayan sa amin sa aming mga social media.

mga miyembro ng grupo

  • Ching, Francis Oliver

  • Ching, Matthew

  • De Castro, Axl Agatha

  • De Guzman, Agatha Hanna

  • Dinampo, Mikaela Abigail

  • Donasco, Cyrish Ann

  • Homicillada, Jemica

  • Jornales, Joy